Ang Sambalilo ni Lolo (Grand Father’s Hat) - Philippine Independence Day 2022
SNAPS DAY 163
6/12/20221 min read
#LoloJimLessons #PhilippineIndependenceDay #Sambalilo
#ONETeam #SNAPS #SageandNotableAdvisesfromPatrickSalazar
*About the video
Sharing my dad’s original poem written for Filipinos last September 2013. He helped my daughter, Nina, for her presentation in school. Dad wrote this in pieces of paper while having breakfast with us. My mom is also cheering for dad as always.
“Ang Sambalilo ni Lolo” - by Hon. RTC Judge Jaime Naval Salazar, Jr
Isang bansa, isang dila, laging bansa ng balana
Eto rin and sinasabi ng lolo ko at aking lola
Sa taglay kong murang isip kahit ako’y naka idlip
Wala akong nababanggit kundi Pinoy na panitik
Pagkat ako’y lahing Pinoy mula ulo hanggang paa
Dumadaloy sa ugat ko’y dugong Pinoy walang iba
Isang araw na maulan habang ako’y nasa duyan
Napansin ko ang lola koy’ tila baga namamanglaw
“Bakit lola?”, and tanong ko Anu bang nasasa isip nyo
Tila wala kayo sa sarili at lumuluha Eto ang sagot niya sa tanong kong mausisa
Kasi kayong mga bata sa wikang Engles kung magsalita
Kaya pati inyong kilos iisa na’t ginagalaw kung anu anu ang ginagawa
Parang kayo ay di Pinoy, parang kayo ay banyaga
O lola kong minamahal. Ang lungkot mo sana’y ibsan
Pagkat etong inyong apo ang loobin ay Pilipino
Kahit ako’y nagi-Engles tibok Pinoy ang puso ko
Mahal ko ang Bahay Kubo at mga halaman sa gilid neto
Mahal ko rin ang sambalilo sa ulo ng aking lolo
Pilipino ang wika ko, Pilipinas ang bayan ko
Kahit iPad ang hawak ko, isip Pinoy pa rin ako

